Noong hs ako, masasabi ko namang palakaibigan ako. Lalo na sa mga transferees. Minsan ako na nga una nagaapproach sa kanila. Hanggang sa naging panatag na loob nila sakin at ganun din naman ako. Hindi na maiiwasan sa mga ganitong sitwasyon na kapag transferee siya, minsan hilig ibully ng mga old student na gaya namin. Siguro sa amin katuwaan lang, pero feeling ko, masakit yun sa damdamin nila, lalo na't bago lang sila don, wala sila gaanong kakilala at hindi namin alam ang tunay nilang ugali.
1st year, sumali ako sa isang grupo na hilig awayin tong babaeng to, puro panlalait talaga ginawa namin sa kanya, pero sa kabila nang mga ginawa ko sa kanya, hindi siya gumanti, hindi siya tumigil makipagkaibigan sa akin. Siguro siya ang naging dahilan kaya natigil ako sa pangaaway, marahil sinimulan ko naman makinig bago magsalita..
2nd year tanda ko pa, may bago kaming kaklase, ako yung nag aya sa kanya maglunch. Wala lang, gusto ko lang talaga siya makilala. Lapitin din siya ng bully sa school, kaya kapag may problema siya dun, sakin niya sinasabi. Payo ko lang lagi, hayaan sila kasi magsasawa din naman ang mga yan. Hanggang sa nangyari nga, nagsawa sila sa pambubully sa kanya, at ayun, sa wakas naging magkakaibigan na ang lahat. Oo naman dumating na talagang may away, pero basta nandito lang ako para sa kanya, (isa rin kasi ako sa mga neutral lang sa school, ibig sabihin parang hangin lang na nakaupo at may attendance) pero dahil malalaki na kami para pag awayan ang tulad sa mga yan na pambata, tumigil din.
2nd year din ako, noong nakilala ko nang husto ang isang old student na to na dati'y hindi ko kasection, naging malapit kami sa isa't isa, kwentuhan dito, kung ano ano, katabi ko pa nga siya minsan sa mga seating arrangement. Ang malupit pa niyan, lagi niya ako binibigyan nang letter at mga drawing niyang kamangha mangha (babae po ito), lapitin sin siya nang bully. At take note: mayroon siyang kakumpetensiya sa klase. Lagi silang nagpaparinigan at ako naman, nasa tabi lang niya, nakikinig nang kung ano anong panggigigil niya sa kakumpetensiya niya.
3rd year, may transferees ulit, panibagong pambubully nanaman ito. At syempre nandoon lang ako para kaibiganin sila. Taga kinig lang naman ako nang mga kwento nilang kakaiba tungkol sa kanila. Hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan na itong isang to, may grabe na pala. Personal na siyang inaaway, minumura pa sa facebook, binabackstab, kung ano ano! Kalimitan wala akong alam sa mga nangyayari eh, basta may marinig lang ako, edi yun na yun. Isang gabi talagang pumunta pa siya sa bahay namin para magkwento nang sama ng loob niya. Tahimik lang ako, nakikinig, nagpapayo..
Lagi lang ako nandito para sa inyo..
Lumipas ang mga araw, hindi ko rin namalayan na naging maayos na ang lahat. Bati bati na ang grupong dating naging bully sa kanila. Nagkaroon pa nang mas malalaking grupo, Sinubukan kong mapalapit sa kanila kasi 4th year na kami, balang araw ay maghihiwahiwalay na kaming lahat. Naging maayos naman, pero ikinagulat ko lang na mas naging close pa sila nung dati niyang kaaway, Nakalimutan nila ako, marahil nakita nila na hindi boring doon, samantalang siguro sakin, kapag kasama nila ako, boring.. nakakagulat kasi parang wala lang ako sa kanila, like, hello? ako nga pala yung dati mong bestfriend slash tagakinig nang problema mo noong kaaway mo ang lahat. Pero hindi ko ito masusumbat sa kanila. Nakakagulat kasi ako yung una nilang nakilala pero parang hindi na nila ako kilala, siguro kapag magpapakilala ko ulit sa kanila at aayain sila sa lunch, hindi na maibabalik yung dati. Nakakagulat kasi ang daming nagbago, gusto ko lang naman ay maalala niyo ako. Kasi ako lagi ko parin kayong inaalala kahit nakalimutan niyo na.
Para sa inaway ko noong 1st year salamat kasi tinuruan mo akong maging mabuting kaibigan, yung tipong tagakinig nang lahat at taga payo nila kahit na ginagamit ka lang. Para sa nakilala ko noong 2nd year, sana okay parin kayo, kung dati kabilang pa kayo sa stabbers sana ngayon na nagawa niyo pa magsama sama sa outing, sana totoo nga na nagbati na kayo. Lalo na sa nakilala ko noong 3rd year, pwede ko bang sabihin na, miss na kita? Kaso hindi mo sinasabi yan sakin, nakakaselos nga kasi sa dati mo pang kaaway madalas sabihin yan eh.
Basta kapag may pagkakataon na maalala niyo ako, dito lang ako. Makikinig parin.

No comments:
Post a Comment