Pages

Friday, October 31, 2014

I tried & then I failed.

May 22, 2014 nung inamin niya na sawa na siya sa akin. Sobrang sakit nun, kasi bago ako matulog, sinabi niya yun. Hindi ko nga alam kung makakatulog pa ba ako noong gabing yun. Nagulat ako kasi, akala ko ayos na ang lahat, na naitama ko na lahat nung pagkakamali na nagawa ko sa kanya. Siguro natauhan na siya at hindi niya kaya manatali sa tulad ko na niloko lang siya. Pero hindi ko naman talaga siya niloko, nagawa ko yun dahil magulo lang ang isip ko, ang akala ko wala lang sa kanya yun kasi ang alam ko wala lang naman ako sa kanya nung mga araw na yun. Pero nagulat ako na isang araw, bumalik ang dating siya at minahal ako ulit. Hindi nga lang nagtagal at eto, sinabi niyang hindi niya makalimutan ang mga ginawa ko sa kanya. Pero lahat ginawa ko para lang maayos ang nakaraan na yun. Kung kailan ako naman ang seryoso, siya naman ang nawalan nang gana.

Walang ibang sisisihin kundi ako lang. Kung hindi ko siguro ginawa yun baka kami parin hanggang ngayon. Magiging tanong nga lang ay hanggang kailan? Hanggang kailan ko siya pagtitiisan? Nasa huli talaga ang pagsisisi. Lumipas ang mga araw, siguro mga dalawang linggo akong walang kibo, sinasabi sa mga kaibigan na wala na kami, pero okay lang ako. Kunwari lang pala, hanggang sa dumating siya, yung naging kaibigan ko sa mga oras na hindi ko na halos kilala pa ang sarili ko. Naging kausap ko siya tuwing gabi na dati'y yung isa ang kausap ko, madalas kami magkita at madalas niya ako dalawin sa bahay na dapat hanggang ngayon yung ex ko ang gumagawa. Oo, hiniling ko na sana pagdilat ko o sa aking pagkurap, siya na yung nandoon. Pero hindi eh, at hindi mangyayari yun. 

Dalawang buwan ang lumipas, masasabi kong ayos na ang lahat. Hindi na ako gaano tumitingin sa profile accounts nang ex ko. Nagagawa ko na ulit makipagkaibigan, sumama sa mga gala, at kung ano ano pang mga gawain na kahit makapagpaalala sa kanya, ay balewala na lang sakin, Salamat sa kaibigan ko na hindi nagsawang makinig sa mga kwento ko kahit paulit ulit, kahit nakakainis, at kahit korni. Siya ang nagsabi sa akin na bawal maging malungkot, siya ang nagsabi sa akin na bitiwan ko na ang nakaraan at mabuhay nang masaya sa kasalukuyan. Dahil sa kanya, natuto na ulit akong ngumiti. At kahit na hirap akong kilalanin muli ang aking sarili, alam kong may bago na sa akin, at yun ay ang harapin ang mga bukas na hindi na iniintindi ang buhay pag ibig.

Hindi ko nga lang inaakala na, sa kabila nang pagiging magkaibigan namin, siya rin pala ang magtuturo nang panibagong pag ibig sa akin. Salamat sa tulong nang mga bestfriend ko na sinasabing, bakit hindi? Bakit hindi ko ulit subukan, malay ko daw ba na siya na ang matagal kong hinihintay. Sobrang daming nagsasabi sa akin na dahil sa kanya ang laki daw nang pinagbago ko, o improvement ko, bakit ko daw papakawalan ang tulad niya na naging dahilan nang muli kong pagngiti, Una hindi ako agad naniwala sa kadahilanang, kaibigan ko siya eh at yun ang ang turingan namin sa isa't isa. Pangalawa, hindi pa ako handa at may mga bagay pa na mas dapat pagtuunan nang pansin. Sabi nila wala naman daw masama kung susubukan. Siguro ay napilitan ako kaya sinunod ko mga payo nila, sa unang mga hakbang madali, pero yung mga susunod na mangyayari hindi ko inaakalang magpapahirap pa sa akin.

Humingi ako ng signs, mga kalokohang signs na pinaniniwalaan o dinadasal nang mga loko lokong tao, siguro ay isa na ako doon kasi pinatos ko naman, Pero sabi nga nila, wala namang masama kung susubukan. Dumaan ang mga araw, at mga panalangin tungkol sa mga senyales na hinihingi ko, lahat sila dumating, at yun ang mas ikinagulat ko, mukhang nahulog na ang loob ko sa kanya. Pero, hindi ko pa kayang sabihin sa kanya nang derekta. Yung mga taong nagsabi sa akin na subukan ko, sa kanila ko muna sinabing mayroon na akong nararamdaman sa kanya. Sino ba naman ang hindi iibig sa tao na walang ginawa kundi ang pasiyahin ka? Samahan ka? Kausapin ka at sabayan ang mga hilig o kalokohan mo sa isang araw? Naulit yun nang ilang beses na naging dahilan para ikahulog ko ito sa kanya.

Sa sobrang bilis nang pangyayari hindi ko na namalayang dadating din ang araw para aminin ko na ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Sobrang hirap kasi, hindi ko gawain ang mga unang hakbang na yan, at tsaka, hindi pa ako umaamin sa isang tao tungkol sa aking nararamdaman, hanggang sa, ayun nga, sinubukan ko. 


Pero sana, hindi ko na lang ginawa, kasi mas masakit pala ang mareject kaysa sa maiwanan..

No comments:

Post a Comment

Tiny Hand