Pages

Saturday, November 1, 2014

College friends next to forever





 at dahil second year na ako, marami narin akong nakilala, naging close at talagang tinreasure ko na sila. Ilan lang sila sa mga kakilala ko na sa Letran,sila ang blockmates ko, kaya mas lagi kong nakakasama. Sa unang picture, kinuhaan yan sa debut nung isa naming kaklase, Actually kulang pa nang dalawa, yung isa tipsy na yung isa umuwi na ata.. 


Yung nasa itaas naman, yan ay habang nasa party. Kaunting inuman at kasiyahan :)





at ang pinakahuling larawan na ito, ay ang grupo namin. Simula second sem nabuo na ang grupong ito. Hiwalay kami sa kabila sa hindi malamang dahilan, pero oo naman nagpapansinan kaming lahat. Siguro yung agwat naming mga grupo ay sa kadahilanang magkakaugali kami. Kung ano man ang ugali ko ngayon, siguro ganun din sila. Kasi diba? Kapag kaugali mo o kapag pareho kayo nang hilig malamang lagi mo na silang kasama. Sa kabila? Hindi ko alam kung anong ugali ang pagkaparepareho nila. Pero hindi ko na kailangan pang gugulin oras ko para alamin yun,.


Pero sa kahit anong anggulo man tignan, masaya ako na nakilala ko sila. Nakabuo na kami nang mga magagandang memories sa ibat ibang lugar. Sobrang blessed, sobrang thankful ako kay God kasi ang bait nilang lahat :) Masaya sila kasama. Nakakatuwa kasi may mga kasama ako gagraduate. Alam kong sabay sabay kami. Sana hindi na kami mabawasan. 


No comments:

Post a Comment

Tiny Hand