June, July, August, September, October, November.. 6 months na kaming wala at feeling ko mahal ko parin siya. Ayoko namang sabihin na talagang mahal ko pa siya kasi baka niloloko ko lang naman sarili ko. Pero siguro mas nakakaloko kapag gusto kong bumalik sa kanya any time. Nag uusap parin kami pero saglit at minsan lang. Hindi ko alam kung natutuwa ako sa tuwing msg niya ang nare receive ko. Gusto ko na talaga makalimot at maging masaya na lang na hindi na siya ang dahilan. 3 years naging kami at tama na yun. Sayang lang ang oras ko sa kanya kung ibabalik pa namin sa nakaraan. Ang nakalipas ay nakalipas na. Kaya tama na yun. Kaso nga lang, sa paulit ulit ko na sinasabi sa sarili ko na tama na, feeling ko mas minamahal ko pa siya. Ayaw ko pa maglet go, hindi ko pa matanggap pero anong magagawa ko kung bawal na talaga kami diba?
Masakit kasi, siya yung umayaw, buti sana kung ako? Edi babalik ako at hihingi nang tawad sa kanya. Pero hindi eh. Hindi ganun ang sitwasyon. Siya ang nangiwan at isang katangahan yun sa part ko kung tatanggapin ko parin siya nang buong buo. Pero yun nga. Hinahanap ko parin siya. Gusto ko parin siya makita at makasama. Gusto ko pa siya makitang tumatawa na ako ang dahilan. Gusto ko parin mangarap kasama siya. Pero pano? Kung ibabalik namin sa dati, ang dami nang nasira. Pundasyon ng tiwala at mismo ang kanya kanya naming pamilya at mga kaibigan. Baka kasi magbato samin ng kung ano anong hindi magagandang pananalita yung makakaalam na nagbalikan kami (kung magbabalikan man).
Kung kaya ko lang bumalik sa dati, sana naitama ko na ang dapat itama para hindi niya ako iniwan nun. Sana kaya kong baguhin ulit yung nakaraan para hindi na ako magbablog nang ganito sa kasalukuyan.

No comments:
Post a Comment