sabi ko na nga ba kapag humupa yung galit ko, pagsisisihan ko lahat nang sasabihin ko. tsk, ewan nakakahiya lang. pero hindi ako nagsisisi na sabihing magiging successful ako someday na kaiinggitan ng lahat! dapat lang na mangyari yun. para kay mama at sa pamilya ko. buti nga at kaunti lang talaga ang friends ko at napagsasabihan ko ng mga problema. hindi ako ganun kaagad ngtitiwala sa tao kasi, malay ko bang may iba silang intensyon kaya sila lumalapit sa akin.
malapit na dumating dito sa manila yung pinakabestfriend ko. sobrang excited kasi hindi na ako magmumukmok dito sa bahay. hindi na loner. lagi ko na siya makakausap ng personal pa. kaso kapag lagi ko tong kasama magastos eh, lalo na sa pagkain. pero okay lang naman. basta lagi ko siyang kasama. wala akong pinagsisisihan na halos gawin ko na siyang kapatid.
Bukas sana maging maayos na ang lahat. Gusto ko talaga magpakalayo layo. kaya kapag nagkita kami nang bestfriend ko, hindi muna kami uuwi. gusto ko lang siya igala sa manila. yun ay kung bukas na talaga ang uwi niya. haha!

No comments:
Post a Comment