Hello :) Itatry ko maging updated ulit sa blogger, nakakamiss lang. Siguro dahil wala akong magawa ngayong sembreak kaya naisipan kong buksan ang account ko dito ulit. Tapos ang bagal pa ng net kaya nakakainis.
Ang boring kapag ganito, wala kang ginagawa, gigising ka nang tanghali na tapos tulog ka nang umaga na. Everyday routine ko na yan magmula nung nagsembreak, pero ayos lang, sinisimulan ko na iappreciate kasi sa pasukan hindi na ulit ito mangyayari. Siguto next week sisimulan ko na maggala gala, may allowance na ulit. Tapos iiwasan ko muna mag facebook. Sana nga maiwasan ko.
Anyways, kamusta na nga pala ako? Second year college na, ang bilis nang araw, dalawang taon na lang ako naman papalit sa pwesto ni mama. Medyo nakakatakot nga pero parang excited kasi, sa wakas, may sarili na akong pera. Sana matapos ko itong food technology, giginhawa buhay ko dito. HAHA
Simula nung naging college nga ako naging conscious na ako sa sarili ko, naging mapili na ako sa damit na susuutin, sa itsura ko kapag lalabas ng bahay, hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako kapag may nabibili akong bagay o pagkain para lang sa sarili ko. Naging mas magastos ako, para lang sa mga bagay na gusto ko, hirap magipon, laging humihingi nang pera sa magulang. Ayun at nakakatakot kasi, parang palala ng palala. Sana macontrol ko na, kasi kawawa naman si mama.
Binilhan nga ako ni tita ng alkansya, pero noong october 28 binutas ko, wala akong makain sa bahay eh. kainis.. hindi bale na, bibili nalang ako ulit, nagkautang pa tuloy ako sa alkansya ko. haha
Balik tayo sa pagiging kolehiyala ko. Ang dami ko nang plano, puro plano na walang kasiguraduhan kung matutupad, ang layo kasi sa gusto ko ang mga nangyayari, bahala si Lord, siya lang naman ang nakakaalam nang lahat nang mangyayari, may tiwala ako sa kanya, yun nga lang, mukhang wala akong tiwala sa sarili ko...

No comments:
Post a Comment