Pages

Monday, December 29, 2014

3 weeks sort of inactive

Sobrang saya, sobrang lungkot, roller coaster of emotions naranasan ko recently. hindi ko na nga alam kung saan ko sisimulan magkwento per, sisimulan ko muna siguro sa masaya. Masaya kasi  yung last week na nasa letran pa ako, hindi ko makakalimutan. yung chefs parade na kahit anong reklamo ang gawin ko kasi nasali ako sa kalokohang yun, naenjoy ko naman pala, kahit papano. nanalo kami ng partner ko gold pa. 1st place kumbaga. tapos cinelebrate namin yun, pumunta kami sa divi kahit wala naman akong binili, sinamahan ko lang partnoos siya pang wala. er ko para bumiuli ng isusuot niya sa christmas party namin.. pag uwi ko, ay hindi pala muna ako umuwi, dumeretso ulit ako sa sm manila para makipagkita sa boyfriend ng mama ko, una nagrereklamo pa ako kasi gabi na, dapat nsa byahe na ako ngayon pero bat kailangan ko pa tong gawin, pero ayos lang. binigyan naman ako ng matinong pamasko haha

fast forward sa paskuhan, kasi exciting..
maaga pa lang nasa school na ako kasi pinapatawag lahat ng officer. nakakainis din yun kasi kung sino pa ang nangutos siya pang wala. edi dumeretso muna kami kila eann para doon na lang magpalipas ng hapon, pero bago pala muna yun nagsama sama kaming mga blockmates, nagkaininan sa tokyo tokyo, nakakainis ulit kasi nakabudget pera ko tapos gagastos kami sa pagkain ng ganun kamahal..

edi yun na nakila eann na kami, wala puro kwetuhan lang at kulitan, pero syempre kailangan din namin pla mag ayos kasi karamhan samin mababagal kumilos.nagtaxi na lang kami kasi gabi na, tapos habang nasa byahe, tinawagan na kami nung mga lintik na officers na yun kasi sakin paka nakatoka mga palaro nila, nakakayamot, buti sana kung kanina sila nagpunta umaga pa lang na nasa school kami edi sana napagusapan ng maayos, hindi yung minamadali kami tulad nito.

pag dating namin dun, ngsimula narin sila, tapos kainina, tapos hindi ko natikman yung pizza nakakainis. tapos ayun exchange gift HAAAAAAAAYS sobrang nakakakilig kasi kumpleto wishlist ko


gabi ng paskuhan sobrang saya as in one of a kind, mala bucketlist pero swear to heaven uulitin ko to. si joyce pring, si yeng, deuce manila at mars miranda., sobrang saya. nakakatuwa!


hindi pa pala tapos yan , nakisleepover kami kila arah, edi nagkaroon ng kwentuhan plus inuman at kulitan. syempre puro pagkain, gusto ko nga dun kila arah eh. kinaumagahan nanood lang kami ng masasayang palabas haha. teka parang pambata naman masyado ang kwento ko ngayon, pero masaya po talaga eh...

sabay sabay narin kami umuwi ni ingrid. at pagkauwi ko nang bahay, nakatulog ako hanggang gabi, puyat at hangover kasi, naranasan ko sa isang gabi. kaya bumawi talaga ako ng tulog.

syempre hindi kumpleto ang Christmas Vacation ko kapag hindi uuwi ang bestfriend..
fast forward sa 22.

Isa rin to sa mga hindi ko makakalimutan, kasama ko naman ngayon ang mga pinakamamahal kong batchmates, nag night out ulit kami, kaso boring yung bar, pero ayos lang naenjoy naman namin yung thought na magkakasama kami..

another puyat mode yun,

kila del kami nakitulog, at kinaumagahan umalis agad kami kasi sa hapon na yon may kikitain ulit kami na hs friends. kasama na dito si ano...
pero marami kami, sabi ni hajar blow out nya daw to samin kasi nagbday siya, at 18 na siya..


at eto na start na ng malungkot na part,. cinelebrate ko ang christmas na mag isa sa bahay at natulog na lang. pano ba naman kasi umuwi ang mga kasama ko sa bahay sa ilocos, ayoko pa naman sumama, sa kadahilanang ayoko makipasko doon lalong lalo na kung nandon yung tatay ko, una, ayaw ko siya makita pa, pangalawa, hindi pa ako handa, baka kung ano lang ang masabi ko sa kanya, mapapahiya lang siya,,

Pero nandiyan naman si venus, yung bestfriend ko, welcome naman ako sa bahay nila kaya doon na lang ako nagpasko. Hindi ko inaakalang hindi lang siya ang makakasama ko, kasama ko rin siya. nagpalipas na siya ng umaga kasama nami9n. hindi ko pwedeng kasama ko kasi andyan si bestfriend.  at bawal ko siya angkinin..
haha hugot ba ito sa pasko?

basta nung kinaumagahan ng 25 umuwi talaga ako para matulog. nung 26 inaya ko yung pinsan ko para gumala, bumili nanaman ako ng tokyo tokyo na pagkamahal mahal. HAHAHA
28, andito na mga kasama ko sa bahay. pero ako naman ulit ang umalis. nakibinyag lang o nakikain, magkaiba pala yun pagkatapos ay nakipagkita ulit kay hajar at jerem, may misunderstanding sila, at isa ako sa manghihinayang talaga kapag hindi sila nagkabati.. relate ako kay jerem kasi, ako yung nafriendzone.. at kahit kaila hindi ako kayang mahalin nung taong sobra kong pinapahalagaan ngayon .. sa kasalukuyan.
Pero ayos lang, naiintindihan ko naman ang pareho nilang nararamdaman. yung isa kailangan nang umiwas, mahirap na kapag mas lalo pang masasaktan. at yung isa naman mawawalan ng kaibigan. pero kasi.. napaibig mo kaibigan mo, at alam mo sa sarili mong hindi mo kayang ibigay yung gusto niya. lalo na yang puso mo na nakalaan na pala sa iba/..





ayun lang muna siguro ang maibabahagi ko. sa ngayon, gumagawa ako ng technical report sa biochemistrry, tapos naalala ko na hindi na pala ako nakakapagupdate dito, kaya naisipan kong bagsakan na ikwento lahat ang nangyari sa 3weeks.

No comments:

Post a Comment

Tiny Hand