Pages

Friday, November 14, 2014

Thank you, sembreak

that was 4 days ago.

Naenjoy ko sembreak ko as in. Nagpapasalamat ako sa bestfriend ko na umuwi talaga para makasama ko sa bakasyon. Isang linggo kami lagi magkasama daig pa ang tunay na magjowa. Very blessed. Salamat kay Lord kasi binigyan niya ako ng productive sembreak kahit walang pera nakapagenjoy talaga ako. Hindi lang puro sa tapat ng computer, lumabas, gumala, at marami akong nagawa na parang nasa bucketlist ko na,

Una ay yung magsstargazing ka kasama yung mahalagang tao sa buhay mo. Isa don yung bestfriend ko, pinaakyat niya ako sa rooftop nila. Grabeng experience yun kasi first time narin at nakaiwas ako sa internet life, haha masaya kasi sobrang linaw ng langit nun, naenjoy ko ang view. Napasigaw ako sa ganda ng langit, Kwento ko lang yung nangyari, well una happy tuesday kasi yun. haha! kagagaling lang namin ng divi, pinasyal ko bestfriend ko, namili ng mga bagay na gusto namin. Nagpagabi kami sa manila, tapos dahil sa curiosity natry namin magyosi, try lang naman hindi ko na uulitin yyun. haha sana. Tapos  paguwi, bumili ng maiinom at umakyat na sa taas nila. Ewan ko kung masasabi ko ng lasing ako nun pero hindi ako nagkamali, sobrang ganda ng gabing yun. ngkkwentuhan pa kami at nagbibiruan na kapag may falling star ibig sabihin mahal niya ako.. HAHA! at hindi ako makapaniwala na mayroon ngang falling star nung gabing yun. ang sarap isigaw, yung lamig ng hangin nakakarelax. sabi ko sa knya gusto kong maulit ang gabing yun.

Pangalawang gabi, hindi ako natulog sa kanila pero nagstarbucks kami bago umuwi. Ksama ko parin siya, puro kwentuhan at hindi ako ngsisisi na siya lang ang kasama ko nun. sa pangatlong gabi, naulit ang star gazing, this time kasama na yung camera ko. Puro naman city lights ang pinuna ko ngayon kasi hindi ko masyado gamay ang pagkuha ng stars lalo na sa gabi. ipopost ko mamaya yung mga test na ginawa ko tulad ng bokeh lights at light drawings.

sa pang apat na gabi naman syempre dito na ako sa bahay. Pahinga lang ang ginawa ko ngayon, hindi muna ako lalabas kasi kailangan ko na sulitin ang mga natitirang gabi ng sembreak. nakapagreflect ako na hindi mo kailangang umalis sa bahay mo para makapagenjoy, i mean hindi mo na kailangan mag out of town para masabing may sembreak ka, maganda pa nga niyan na kasama mo yung mga taong gusto mo lang makasama. kahit puro kwentuhan lang kayo atleast diba, tipid tapos masaya na. 

Yun nga lang sa halos dalawang linggo na sembreak ko, may kulang pa rin. hindi ko alam kung big deal ito sakin o hindi. Pero sinabi ko naman sa sarili ko na ayaw ko muna siya makita, at ayaw kong makita niya ako. hanggang sa hindi ko parin magawang ibigay yung regalo ko sa knya na deck of cards. Hindi ko alam kung pano niya kukunin sa akin, sa kadahilanang hindi naman kami gaano nag uusap. takot parin ako hanggang ngayon na itext siya kasi natatakot ako na baka seenzone lang o balewala lang. Pero hahayaan ko na lang.. sa lunes magiging busy narin naman na ako, makakalimutan ko na yung pagkamiss ko sa kanya kahit papano. :)

No comments:

Post a Comment

Tiny Hand